Naiwan sa Cambodia ang 203 pasahero ng cruise ship na Odyssey matapos suspendihin ng operator na Villa Vie Residences ang operasyon nito dahil sa matinding pagtaas ng presyo ng gasolina kasunod ng digmaan sa Iran.

Ayon sa opisyal ng Preah Sihanouk province, pitong oras lamang ang ibinigay sa mga pasahero upang mag-impake at bumaba sa barko sa pantalan ng Sihanoukville.

Mula sa dating average na 1,800 dolyar kada buwan, umakyat sa 6,000 hanggang 8,000 dolyar ang gastos sa gasolina para sa bawat cabin sa ilang bahagi ng Asya.

Humingi naman ng paumanhin ang kumpanya at sinabing nakikipag-ugnayan ito sa mga apektadong pasahero upang matulungan silang makahanap ng pansamantalang matutuluyan.