PHOTO CREDIT: DTI-CAGAYAN

TUGUEGARAO CITY-Mahigit 200 na uncertified led lamps ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI)-Cagayan na ibinebenta sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Ayon kay Mar Anthony Alan ng DTI-Cagayan, nasa kabuuang 238 na piraso ng substandard na led lumps na nagkakahalaga ng mahigit P31,000 ang kinumpiska ng ahensya katuwang ang local price coordinating council ng nasabing bayan sa isang business establishment sa Claveria public market.

Agad namang inisyuhan ng “notice to violation” ang negosyante at binibigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag hanggang sa ika-14 ng kasalukuyang buwan na magiging basehan ng parusa nito sa paglabag sa product standard law.

Bukod dito, dalawang negosyante rin ang naisyuhan din ng kaparehong violation dahil sa kawalan ng price tag sa kanilang paninda

Bibigyan naman ng naturang ahensya ang mga negosyante na ipaliwanag ang kanilang panig.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuan, sinabi ni Alan na naging maayos ang kanilang isinagawang inspeksyon sa 23 establishimento kung saan karamihan na sa mga negosyante ay gumagamit na ng digital weighing scale at sumusunod sa Suggested Retail Price (SRP).