Siyam na porsiyento pa lamang sa 22,323 na bakantang posisyon sa buong bansa ang napunan ng Department of Education sa gitna ng isang buwan na itinakda nilang deadline.
Sinabi ni Education Undersecretary for human resource and organizational development Wilfredo Cabral sa House committee on appropriations sa oversight hearing na nasa 22 percent ng mga bakanteng posisyon ay nasa proseso na.
Ayon sa kanya, naglabas ang DepEd ng memorandum nitong nakalipas na taon na nag-aatas sa lahat ng regional directors at school division superintendents na bumalangkas ng catch-up plans upang mapunan ang mga bakanteng teaching positions.
Sinabi niya na patuloy ang kanilang monitoring sa compliance upang matiyak na sa susunod na buwan na lahat ng nasabing items ay mapupunan upang matiyak din na magamit ang inilaang pondo ngayong taon.