Umaabot na sa 7,643 families na binubuo ng 22,841 individuals ang naitala ng Department of Social Welfare and Development na naapektohan ng bagyong Julian sa Cagayan Valley.
Batay sa monitoring DSWD Region 2 kaninang madaling araw, sa nasabing bilang 6,506 families o 19,091 individuals ang apektado sa Batanes habang 1,137 families o 3,750 individuals ang naitala sa Cagayan.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD Field Office 2 sa mga lokal na pamahalaan (LGU) upang agad na maipamahagi ang kinakailangang tulong sa mga residenteng lubhang naapektuhan dahil sa naturang kalamidad.