TUGUEGARAO CITY-Mahigit pitong libong katao na katumbas ng mahigit 24,000 indibidwal ang apektado dahil sa muling nararanasang pagbaha sa Cagayan.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Cagayan, may kabuuang 7,052 na pamilya na binubuo ng 24, 446 na indibidwal ang patuloy na naaapektuhan ng pagbaha.

Nasa 1,009 na pamilya na katumbas ng 3,576 na indibwal ang lumikas kung saan 843 na pamilya na may 2,857 ang nasa iba’t-ibang evacuation center habang 191 na pamilya na may 804 na indibwal ang nasa kanilang mga kaanak.

Mayroong 12 bayan sa probinsya ang nakakaranas ng pagbaha kabilang na ang lungsod ng Tuguegarao, Alcala, Amulung,Baggao, Ballesteros,Solana , Enrile, Lal-lo, Camalanuigan, Lasam, Iguig at Aparri na labis din na naapektuhan ng malawakang pagbaha nitong nakalipas na buwan.

Nananatiling naka red alert ang PDRRMO-Cagayan dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog Cagayan na nagdudulot ng pagbaha sa probinsya.

-- ADVERTISEMENT --