TUGUEGARAO CITY-Nakahanda ang Department of Social Welfare ang Development (DSWD)-Region 2 na magbigay ng karagdagang tulong sa mga Local Government Units (LGUs) kung magkulang ang ibinabahaging relief goods sa kanilang mga residente na labis na naapektuhan sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD-Region 2, mayroong 26,672 na food packs na nagkakahalaga ng P9.8 milyon ang nakahandang ipamahagi sa mga bayan na mangangailangan ng kanilang tulong.

Sa katunayan aniya, nagbigay na ang kanilang ahensiya ng 300 food packs sa mga stranded na indibidwal na karamihan ay pauwi sana sa Calayan na kasalukuyang nasa Port of Claveria, Aparri,Sta Ana at ang ilan ay nandito sa lungsod ng Tuguegarao.

Bukod dito, nagbigay na rin ang DSWD ng 25 folding beds ,25 sleeping kits at limang tents sa bayan Alcala matapos hilingin ng nasabing bayan.

Tinig ni Chester Trinidad

Samantala, kasalukuyan na rin umano nilang pinag-uusapan kung paano at sino ang mga magiging benipisaryo sa ibibigay na tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration package ng ahensiya.

-- ADVERTISEMENT --