Nasa kabuuang 2,767 kabataan mula sa iba’t ibang bayan sa lambak ng Cagayan at Cordillera Administrative Region (CAR) ang sumailalim sa pagsusulit para sa Candidate Soldier Course (CSC) ng Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) na isinagawa kamakailan lamang ng 5th Infantry division, Philippine Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Maj Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th ID na ang resulta ng eksaminasyon ay inaasahang ilalabas sa susunod na buwan.

Ayon kay Tayaban, pinakamarami sa kumuha ng pagsusulit ay mula sa lalawigan ng Kalinga sa bilang na 1,000 na sinundan ng testing center sa 5th ID sa 995, Tuguegarao sa 600 at Ifugao sa bilang na 98.

Ikinatuwa naman ni Tayaban ang maraming bilang ng mga nagnanais na maging sundalo kung saan iginiit nito na hindi madali ang naturang propesyon dahil buhay ang inaalay sa paglilingkod sa bayan.

Ang mga makakapasa sa pagsusulit ay magiging candidate soldier na isasailalim sa pagsasanay upang maging ganap na kawal na makakatuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa panahon ng kapayapaan, digmaan, sakuna at kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --