Na-promote ng ranggo ang nasa 2,484 na pulis na kinabibilangan ng Police Commissioned Officers at Police Non-Commissioned Officers mula sa Lambak ng Cagayan.

Pinangunahan ni PRO-2 Regional Director PBGEN Christopher Birung ang simukltaneous Mass Oath-taking at Donning and Pinning of Ranks ng mga newly promoted na PNP members na kinabibilangan ng 165 na Police Commissioned Officers at 2,319 na Police Non-Commissioned Officers sa ibat-ibang Police Provincial Office at City Police Office sa rehiyon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Birung na ang kanilang promosyon ay nagpapakita lamang ng husay at dedikasyon sa kanilang trabaho at makapagbigay ng serbisyo publiko.

Ipinahayag din ni Birung ang kanyang pagbati sa mga na-promote kasabay ng kanyang pagpapayo na ang nakamit nilang tagumpay ay mayroong kaakibat na tungkulin bilang alagad ng batas.