TUGUEGARAO CITY-Tumiwalag ang mahigit 300 miyembro ng Anakpawis-Cagayan Chapter sa sub-capitol sa Bangag, Lal-lo.
Isinagawa ang panunumpa ng mga ito para sa pagbabalik umano nila ng suporta sa pamahalaan sa Lallo kaninang umaga.
Kaugnay nito,sinabi Jomar Binlagan,dating lider ng grupo ng Lallo na hindi pagsuko ang kanilang ginawa dahil hindi naman sila miyembro ng New People’s Army sa halip ay pagpapabalik ng tiwala sa pamahalaan.
Aniya ito ay sa kabila na napag-alam niya may kaugnayan sa NPA ang Anakpawis dahil sa ilang taon na ring siyang miyembro ng grupo buhat noong 2003.
Ayon sa kanya, nais lamang nilang linisin ang kanilang pangalan na hindi sila mga rebelde.
Nanumpa ang mga ito sa harap ni Cagayan Governor Manuel Mamba na sinaksihan ng 17th Infantry Battalion at iba pang sektor.