Nasa 359 paaralan sa Cagayan ang naapektuhan sa naranasang pagbaha sa 12 bayan sa 2nd district ng Cagayan.
Ito ay kinabibilangan ng mga paaralan sa Abulug, Allacapan, Baggao, Ballesteros, Claveria, Lal-lo, Sta Praxedes, Gonzaga, Aparri, Sta. Ana, Lasam at Pamplona.
Sinabi ni Asst Schools Division Supt. Marites Llanes ng Deparrtment of Education (DEPED) Cagayan na pansamantalang gagamitin ng nasa 95,420 na apektadonhg mag-aaral ang pasilidad ng Barangay para hindi maantala ang kanilang klase.
Bagamat inayos ang mga instructional materials bago ang pagbaha, posibleng marami pa ring nasira dito lalo na sa mga eskuwelahan na umabot hanggang sa bubungan ang baha.
Ayon kay Llanes, maaari namang idonload sa online portal ang mga learning materials na nasira para may magamit ang mga mag aaral.
Tinatayang tataas pa ang bilang ng mga nasirang silid aralan dahil nagpapatuloy pa ang assessment ng DepEd at mayroon pang paaralan na na lubog sa baha.
Ipinauubaya naman ng DepEd sa mga school principal at local chief executive ng mga bayan na binaha ang pagsuspendi ng klase kung may banta pa rin ito sa mga mag aaral at guro.
Bago mag-resume ang klase ay kailangan aniyang magsagawa ng clean up drive sa mga binahang eskuwelahan ang mga stakeholders.