TUGUEGARAO CITY-Umakyat pa sa halos 36K pamilya o higit 130K katao ang apektado ng malawakang pagbaha sa probinsya ng Cagayan.

Sa panayam kay Rueli Rapsing ng PDRRMO Cagayan, nasa mahigit 2K pamilya o 6,353 katao ang nasa mga evacuation center habang ang iba naman ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak.

Sa huling datos ng PDRRMO Cagayan, 241 barangay mula sa 25 munisipalidad na ngayon ang apektado ng pagbaha na kinabibilangan ng kabuuang 114,308 individuals.

Kasabay nito, marami na ring mga barangay mula sa 16 na bayan sa lalawigan ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos i-shutdown ng CAGELCO I dahil sa pagbaha.

Nasa 23 bahay naman ang naitalang totally damaged matapos tangayin ng tubig baha mula sa bayan ng Tuao at Amulung habang sa partially damaged ay apat mula sa bayan ng Pamplona at Abulug.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa isang lolong nawawala matapos mahulog sa kanyang bangka sa kasagsagan ng pagbaha kamakalawa sa Brgy. Estefania, Amulung.

Sa huling monitoring ay nanatili na lamang sa 12.1 meters ang lebel ng tubig sa buntun bridge at hindi na ito tumaas.

Gayonman ay may mga lugar pa rin ang pinasok ng tubig baha tulad na lamang dito sa lungsod ng Tuguegarao at sa Pared, Alcala.

Paliwanag ni Rapsing, magkapareho ang volume ng pumasok na tubig noong naganap ang mega flood noong 2020 ngunit dahil sa dredging operation na ginagawa ngayon sa ilog Cagayan ay mas napabilis ang pagdaloy ng tubig gayong saturated na rin ang kalupaan dahil sa ilang araw na pagbaha.

Sa ngayonn ay binawasan na ang dami ng tubig na pinapakawalan ng Magat dam.

Mula sa 7 radial gates ay dalawang gates na lamang ang nanatiling nakabukas at nasa 2 metro na lamang ang opening.

Itoy dahil na rin sa pagbaba ng pumapasok na tubig mula sa upstream ng Magat dam

Ang water level ngayon ng magat dam ay nasa 190.87masl, ang inflow o pumapasok na tubig ay 1298.89cms na siya namang kabuuang tubig na pinapakawalan o outflow.