Mahigit 382,000 individuals sa buong bansa ang apektado ng tropical storm Kristine.
Batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 382,302 persons o 77,910 families ang apektado ng samang ng panahon, habang isa ang naiulat na nasugatan.
Sa kabuuang bilang ng mga apektadong indibidual, 12,698 ang lumikas, kung saan 12,334 ang nasa evacuation centers, at 364 ang nakisilong sa ibang shelters.
Namonitor din ng NDDRMC ang 92 na binahang lugar sa Mimaropa, Region 5 (Bicol), Region 6 (Western Visayas), Region 8 (Eastern Visayas) and Region 9 (Zamboanga Peninsula).
Sinabi ng NDRRMC, na sa ngayon ay namahagi na ang pamahalaan ng P169,685 na halaga ng ayuda.
-- ADVERTISEMENT --