UMABOT SA kabuuang 832 sako o 3,385.5 kilo ng basura ang nakolekta sa isinagawang nationwide simultaneous cleanup drive sa mga coastal areas, ilog, at iba pang malalaking tributaries kasabay ng pagdiriwang ng World Ocean Day at Coral Triangle Day kamakailan
ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 2 kabilang sa mga maipong basura ay ang non-biodegradable, special, residual, at healthcare-related na mga basura ang nakolekta sa iba’t ibang bahagi ng katubigan sa mga lungsod at munisipalidad ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Batanes.
kaugnay nito, umapela si Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng denr region 2 sa publiko na maayos na pangasiwaan ang kanilang mga basura upang maiwasan mapunta ang mga ito sa karagatan. na maaaring makaapekto sa mga yamang tubig
Pinangunahan ng DENR-RO2 ang halos 2,000 environmental stakeholders mula sa local government units, national government agencies kabilang ang law enforcement institutions, non-government organizations, civil society organizations, commercial establishments, at religious groups sa isinagawang clean up drive