Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) na 3,058 applicants ang nakapasa sa December 2024 Certified Public Accountants Licensure Exam (CPALE).
Kabuuang 10,361 aspirants ang kumuha ng pagsusulit sa buong bansa noong December 6, 7, at 8.
Unang itinakda ang CPALE noong Oktubre, subalit inilipat sa dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Ang top examinee sa December 2024 CPALE ay si Jianne Iysse Yu ng University of San Carlos, na nakakuha ng score na 89.67.
Sinundan siya ni Jualianne Vitug University of the Philippines Diliman sa score na 89.50 points.
Ang rank 3 naman ay si Joebin Lopez ng Saint Paul School of Professional Studies, na may score na 89.33.
Ang University of the Philippines Diliman ang kinilalang top-performing school para sa December 2024 CPALE para sa passing rate na 98.04 percent.
Sinundan ng De La Salle University-Manila na may 80.53 percent passing rate.
Ayon sa PRC, ang Philippines Diliman at De La Salle University-Manila ay may nasa 50 examinees at minimum passing percentage na 80 percent.