Pinatawad ng hari ng Morocco na si Mohammad VI ang mahigit 4,800 na magsasaka na inakusahan ng iligal na pagtatanim ng cannabis o marijuana.
Ayon sa justice ministry, pinagkalooban ng hari ng pardon ang 4,831 na katao na hinatulan, inakusahan o wanted sa mga kaso na may kaugnayan sa pagtatanim ng cannabis.
Ang Morocco ang pinakamalaking producer ng cannabis sa buong mundo, ayon sa United Nations.
Lumikha ang bansa ng batas noong 2021 para sa production at medical use ng nasabing droga na nagbibigay ng pahintulot sa pagtatanim nito sa ilang probinsiya sa northeaster Rif region.
Layunin ng pardon ng hari na makibahagi ang mga ito sa bagong stratehiya.
Nagtatag ang Morocco ng special agency, ang ANRAC para sa structure ng legal cultivation at export ng cannabis para sa medical, pharmaceutical at industrial purposes.