Umaabot sa 15,778 families na binubuo ng 47,879 individuals ang lumikas dahil sa malawakang pagbaha sa 74 na barangay sa walong bayan at isang lungsod sa Cagayan.
Pinakamalaking bilang ng mga evacuees sa Tuguegarao City na may 11,360 families na binubuo ng 32,865 mula sa 31 barangay bunsod ng pagtaas ng Cagayan river.
Sumunod ang bayan ng Solana na may 2,205 families o 7,111 individuals mula sa limang barangay, Amulung na may 1,582 families o 4,372 individuals mula sa 11 barangay, Baggao na may 408 families o 1,235 individuals.
May mga evacuees din sa mga bayan ng Alcala, Camalaniugan, Enrile, Lallo, at Santa Ana.
Marami na ring barangay, municipal at provincial roads at mga tulay ang impassable dahil sa pag-apaw ng tubig-baha sa ilang bayan sa lalawigan.
Samantala, nananatili pa rin sa 11.5 meters ang water level sa Buntun bridge na lagpas pa sa critical level na 11 meters.