TUGUEGARO CITY-Umaabot na sa 859 na pamilya na binubuo ng 4,283 indibidwal ang apektado sa nararanasang pag-ulan dulot ng amihan at Bagyong Tisoy sa buong Rehiyon Dos.
Mula sa naturang bilang, 298 pamilya na may 1,637 inbibidwal ang nasa evacuation center mula sa limang bayan sa probinsiya ng Cagayan na kinabibilangan ng Lasam, Rizal , Baggao,Tuao at Pamplona.
Hindi na rin madaanan ang Tawi at Natallag overflow bridge sa bayan ng PeƱablanca, Abusag at Bagunut overflow bridge sa Baggao, sitio Birung sa Barangay Liwan Norte at San Felipe overflow bridge sa bayan Enrile ,itawes-maguiling overflow bridge sa bayan ng Piat at Ferry bridge sa Tuao.
Maging ang Mapula-pula -Alimoan at Kilkiling-Mabnang overflow bridge sa Claveria, Patunungan overflow bridge sa Sta Ana at Pinacanauan/Capatan Overflow dito sa lungsod ng Tuguegarao ay isinara na rin sa lahat ng mga motorista dahil sa pag-apaw ng tubig.
Kanselado na rin ang pasok sa mga eskwelahan sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong sektor sa probinsiya, bukas, Araw ng Huwebes, Disyembre 5, 2019.
Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO) kay Gov. Manuel Mamba dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig bunsod ng pag-ulan.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa anumang banta ng panganib.
Samantala, siyam na barangay ang naitalang isolated sa bayan ng Baggao dahil sa naitalang pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng mga kinauukulan sa lebel ng tubig.