Iprinisenta ng Police Regional Office 2 ang mahigit 4,000 loose firearms na nakumpiska, inabandona at boluntaryong isinuko sa Cagayan Valley Region sa Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.
Sa tala ng PRO-2, umabot sa kabuuang 4,400 loose firearms ang nakumpiska mula 2019 hanggang ngayong buwan ng Nobyembre 2024.
Ipinasakamay naman ang mga iba’t ibang uri ng armas sa Regional Civil Security Unit para sa safe keeping.
Isinagawa ang presentasyon kasabay ng 1st Regional Joint Security Control Center meeting bilang paghahanda sa pagtiyak ng maayos na halalan sa susunod na taon.
Dinaluhan ito ng NICA, 5TH-ID,PA, NBI, Philippine Coast Guard at Comelec.
-- ADVERTISEMENT --