TUGUEGARAO CITY- Gumagawa na ng paraan ang Department of Agriculture Region 2 upang mapuksa ang mga fall armyworm na sumisira sa mga pananim na mais.

Sinabi ni Rosemarie Aquino, technical director for Research and Regulatory ng DA umaabot na sa 5,200 sa kabuuang 222, 212 hectares ng maisan sa Region 2.

Ayon sa kanya, 48 municipalities na sa rehiyon ang infested ng nasabing peste.

Dahil dito, sinabi ni Aquino na ang kanilang rekomendasyon sa mga infested ng nasabing peste ay kombinasyon ng insecticide at biological control agent.

-- ADVERTISEMENT --

Para naman sa mga maisan na hindi infested ng fall armyworm, ang kanilang kahiligan sa kanilang central office ay pondohan ang pamimigay sa mga corn farmers ng biological control agent upang matiyak na hindi na tatamaan ng peste ang kanilang mga pananim.

Kaugnay nito, sinabi ni Aquino na nagtutulungan na rin ang mga experts at iba pang may kinalaman sa pagtatanim ng mais at pagpuksa sa mga peste upang mapag-aralan ang iba pang pinakamabisang paraan upang maiwasan na ito ay kumalat pa.

Sinabi ni Aquino na napakahirap puksain ang fall armyworm at napakabilis ng kanilang lifestyle.

Sinabi ni Aquino na una nilang nakita ang infestation ng fall armyworm sa maisan sa Piat hanggang sa lumipat na ito sa ibang bayan sa Cagayan at ang pinakamalaking apektado ngayon ay sa Isabela.

Ayon sa kanya, mayroon na rin silang namonitor na infestation sa Nueva Vizcaya at Quirino