Umakyat na sa mahigit 50 frontliners laban sa COVID-19 ang nasawi sa bansang Italya.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Humphrey Angalo, pinoy worker sa Milan, Italy na kabuuang 52 health workers na ang casualty sa naturang bansa.
Kasabay nito, dumating na sa Italy ang ipinadalang health workers at medical supplies ng bansang Amerika, Albania at China na tumutulong upang macontain ang virus.
Habang, ilang church organizations din sa Europa ang tumutulong o nag-aabot ng pagkain sa mga immigrants na walang trabaho.
Kuwento ni Angalo na ang hindi seryosong pagpapatupad sa lockdown ang pangunahing dahilan ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nahahawaan kung saan nasa mahigit 11-K na ang namatay.
Samantala, plano ng gobyerno ng Italy na magbigay ng 600 Euros o katumbas ng P30,000 sa bawat manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.