Mahigit 50 katao na ang namatay sa India sa nakalipas na tatlong araw bunsod ng matinding init na panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Nasa 33 ang namatay sa northern state ng Uttar Pradesh nitong Sabado dahil sa init.
Sa Odisha state, nasa 20 ang namatay dahil sa heat stroke.
Karamihan sa mga naiulat na namatay ay noong Sabado sa huling yugto ng kanilang botohan para sa general election.
Nakatakdang ilabas ang resulta ng halalan bukas.
Kada limang taon ay isinasagawa ng India ang kanilang general election sa summer months ng Abril at Mayo.
Subalit ngayong taon, nakapagtala ang India ng record-breaking na temperatura kung saan nakakaranas ang bansa ng madalas, mas mainit na panahon at mas matagal na heatwaves.
Ayon sa federal health ministry, nakapagtala sila ng nasa 56 na kumpirmadong namatay dahil sa heat strokes mula March 1 hanggang May 30.
Nasa 24, 849 heat strokes cases ang naitala sa nasabing panahon.
May naitala din na pinaghihinalaan na heat-related deaths sa estados ng Bihar, Madhya Pradesh at Jharkhand.