TUGUEGARAO CITY-Mahigit 50 pamilya ang pinagkalooban ng tulong pinansyal sa lungsod ng Tuguegarao sa ilalim ng livelihood assistance grants sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umaabot sa P5,000 hanggang P12,000 depende sa ibinigay na business proposal ng 51 benepisaryo ang natanggap na tulong mula sa DSWD katuwang ang City Social Welfare and Development office (CSWDO)-Tuguegarao.
Ito ay bilang tulong sa muling pagbangon ng mga negosyante na unang naapektuhan ng covid-19 pandemic.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang mga benepisaryo na ilaan para sa negosyo ang natanggap na tulong dahil kanila umano itong imomonitor.
Ayon kay Soriano, kung nagamit sa ibang bagay ang tulong pinansyal ay maaari itong bawiin ng ahensya.
Nabatid na ito na ang second batch ng naturang programa dito sa lungsod ng Tuguegarao.