Mahigit 500 katao na ang namatay sa kaguluhan sa Iran, ayon sa rights group, kasabay ng banta ng Tehran na pupuntiryahin ang US military bases kung si Pangulong Donald Trump pabor sa mga nagpoprotesta.

Una rito, nagbanta si Trump na mapipilitan ang US na gumawa ng kaukulang hakbang kung magkakaroon ng marahas na pagtugon ang Iran sa mga protesters.

Ayon sa ulat ng US-based rights group na HRANA, ang kanilang naberipika na bilang ng mga namatay na protesters ay 490 nat 48 security personnel, at mahigit 10,600 ang inaresto sa dalawang linggo nang kaguluhan.

Nagsimula ang mga protesta sa Iran noong December 28 dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin, bago binalingan ang clerical rulers na namumuno buhat noong 1979 Islamic Revolution.

Inakusahan ng mga awtoridad ng Iran ang US at Israel na nagsulsol sa mga protesta.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni US Secretary-General Antonio Guterres na nagulat siya sa mga ginagawang karahasan ng mga awtoridad ng Iran at nanawagan na kahinahunan.

Kahapon ay idineklara ang tatlong araw na pagdadalamhati bilang pagkilala sa mga namatay na tinawag nilang mga martir dahil sa pagkontra sa US.