Nakatanggap ng libreng serbisyo at benepisyo mula sa DOLE Region 2 at mga katuwang na ahensiya ang mahigit 500 magsasaka sa probinsya ng Cagayan.
Aabot sa P2.2M o tig-P4,500 na sahod ang natanggap ng 500 magsasaka mula sa Enrile, Piat, Solana, Sto. Nino, Tuao, at Tuguegarao City sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program.
Namahagi rin ang DOLE katuwang ang Mabuhay Agri-Crop Multi-Purpose Cooperative ng halos P1.4 milyon para sa sugarcane farming at equipment rentals ng Medovilla Rural Farmers Association na may 29 miyembro, at para sa rice and feeds retailing business ng Pinagpala Sugar Farmers Association mula sa Tuao na may 25 miyembro.
Sa nasabing aktibidad, naturuan din ang mga benepisyaryo ng kabuhayan program ng DOLE ng tungkol sa pagnenegosyo mula sa Department of Trade and Industry, pamamahala ng salapi mula sa Landbank of the Philippines, at wages and productivity mula sa Regional Tripartite and Wages Productivity Board.
Samantala, higit 100 manggagawa at residente naman ng Piat at karatig-bayan nito ang tumanggap ng libreng serbisyong medikal at dental mula sa Department of Health, Cagayan Valley Medical Center, at mga bahagi ng Private Hospitals Industry Tripartite Council.