TUGUEGARAO CITY- Sinira sa pamamagitan ng pison ang mahigit 500 na nakumpiskang modified mufflers buhat noong 2019.

Sinabi ni Vince Blancad, head ng Public Safety and Security Office ng LGU Tuguegarao na ang pagkumpiska sa mga maiingay na muffler sa mga motorsiklo ay sa bisa ng ordinansa.

Ayon sa kanya, ito na ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa sila ng pagpison ng mga modified mufflers kung saan ang una ay noong 2019 na umabot sa mahigit 200.

Sinabi ni Blancad na bukod sa pagkumpiska sa modified mufflers ay pinagmumulta din ang mga gumagamit nito ng P2, 000.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi ni Blancad na binalaan na rin nila ang mga gumagawa at nagbebenta ng modified mufflers na sila ay makakasuhan kung ipagpapatuloy ang mga paggawa at pagbebenta sa mga ito.