Sinibak sa serbisyo ang mahigit 500 pulis sa Metro Manila habang 800 pa ang pinarusahan simula noong Hulyo ng nakalipas na taon sa gitna ng mas pinaigting pa na internal cleansing laban sa mga pasaway na pulis.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang mga pinarusahang kapulisan ay pinatawan ng adminsitrative charges at ang mga sinibak naman mula sa police service ay humaharap sa serious offenses.

Sa ngayon, ipinag-utos na ng NCRPO director na paspasan ang pag-review sa mahigit 4,000 dokumento may kinalaman sa administrative charges ng iba pang kapulisan na pinatawan ng administrative cases.

Target naman na maresolba ang lahat ng nasabing mga kaso sa loob ng 2 hanggang 3 buwan.