TUGUEGARAO CITY-Nasa 1,564 na pamilya na katumabs ng 5,435 na indibidwal ang apektado ng patuloy na pag-uulan sa probinsya ng Cagayan.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC)-Cagayan,ilan sa mga bayan na apektado ay ang mga bayan ng Aparri, Alcala, Ballesteros, Buguey, Gonzaga, Claveria, Lallo, Pamplona, Sanchez Mira, Sta. Praxedes at dito sa Lungsod ng Tuguegarao.
Sa nabanggit na bilang ay 827 na pamilya na katumbas ng 2,740 na katao ang lumikas kung saan 364 na pamilya na katumbas ng 1,204 ang mga nasa evacuation center habang ang 463 na pamilya na katumbas ng 1,536 na indibidwal ang lumikas sa kanilang mga kaanak.
Kaugnay nito, nakapaghatid na ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga apektadong residente sa bayan ng Sanchez Mira kung saan nasa 600 packs na may tig-limang kilo ng bigas, 15 boxes ng delata at 16 boxes ng cup noodles ang kanilang naipamahagi.
Bukod dito, nakapaghatid na rin ng tulong ang Local Government Unit (LGU)-Gonzaga ng 40 packs ng assorted goods sa kanilang mga residente na apektado ng pagbaha.