Umaabot sa 602 ektarya ng palay sa tatlong probinsiya ng Cagayan Valley ang apektado ngayon ng pamemeste ng rice blast o mata-mata, ayon sa Department of Agriculture (DA)region 2.

Ayon kay Mindaflor Aquino ng DA-RO2 na apektado ng naturang sakit ng palay ang 12 munisipalidad sa lalawigan ng Isabela, anim sa Quirino at inisyal na tatlong bayan sa Cagayan.

Sa ngayon ay nagbigay na ng technical assistance at briefing ang kagawaran sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang pagkalat nito.

Sinabi ni Aquino na ang palay na tinamaan ng blast ay nagkakaroon ng spots o hugis mata-mata sa dahon na medyo mapula ang gilid at abuhin ang gitna na kapag nagsama-sama ay magiging sanhi ng pagkasunog ng dahon ng palay.

Bagamat kontrolado pa ang sitwasyon, sinabi ni Aquino na mainam na matulungan ng mga lokal na pamahalaan ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng fungicide upang makontrol ang pagkalat nito na umaatake mula seedlings hanggang sa ito ay mamunga na.

-- ADVERTISEMENT --