Isinailalim sa forced evacuation ang mga residente sa mga coastal towns ng Cagayan at sa mga lugar na landslide prone area bunsod ng mga pag-ulan at hangin dala ng super typhoon Leon.

Sinabi ni Rueli Rapsing, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, umaabot sa 2,145 families na binubuo ng 6,255 families ang isinailalim sa forced evacuation sa ilalim ng Charlie Response Protocol.

Ayon kay Rapsing, ang mga evacuees ay mula sa siyam na munisipalidad at 70 na barangay.

Sinabi niya na ang mga residente na inilikas sa coastal towns ay dahil sa banta ng storm surge o daluyong

Nakakaranas na rin ng pagbaha sa ilang lugar sa Tuguegarao City at Baggao, habang walang suplay ng kuryente ang Gonzaga at Santa Ana.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Rapsing na patuloy ang kanilang monitoring sa water level sa ilog Cagayan.