Mag-aalok ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mahigit 6,000 na trabaho sa ibayong-dagat para sa mga manggagawang Pilipino, kasabay ng Independence Day Mega Jobs Fair bukas, June 12.
Ayon sa DMW, ang mga ito ay naaprubahan nang job orders sa abroad, kung saan mayroong 21 recruitment agencies na makikibahagi.
Kasabay nito ay hinikayat ng ahensiya ang mga Pilipinong may planong magtrabaho sa ibayong-dagat na samantalahin ang job offering ng ahensiya.
Ayon sa ahensiya, nakahanda rin ang mga empleyado nitong tumulong sa mga manggagawang nais sumubok sa isasagawang Job Fair.