Hindi bababa sa 76 katao ang nasawi at ilang daan ang sugatan sa naganap na kilos protesta sa Bangladesh.

Gumamit ng mga tear gas at rubber bullets ang mga kapulisan para buwagin ang ilang libong mga nagsagawa ng kilos protesta.

Nanawagan ang mga protesters na magbitiw sa kaniyang puwesto si Prime Minister Sheikh Hasina.

Mula kasi noong nagwagi ng kaniyang ikaapat na sunod na termino ay sumiklab ang kilos protesta kung saan ang halalan ay binoycott ng ng pangunahin opposition na Bangladesh Nationalist Party.

Nitong linggo ay nagpatupad ang gobyerno ng Bangladesh ng nationwide curfew kung saan paraan ito para masawata ang nagsasagawa ng kilos protesta mula pa noong nakaraang buwan.

-- ADVERTISEMENT --