TUGUEGARAO CITY- Inilikas ang 752 individuals sa mga bayan ng Claveria at Santa Praxedes, Cagayan dahil flahsfloods na nagdulot ng pagbaha at landslides kagabi bunsod ng malalakas na buhos ng ulan .

Sinabi ni Atanacio Macalan, head ng PDRRMO na 212 ang mula sa Claveria habang 540 individuals naman sa Sta. Praxedes.

Kabilang sa inilikas Claveria ang pamilya ng 16 na pulis.

Idinagdaga pa ng opisyal na kasalukuyan na rin ang evacuation sa ilang residente sa Sanchez Mira.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyan na rin aniya ang clearing operation sa main roads sa mga nasabing bayan na napuno ng mga lupa at mga kahoy dahil sa flashflood.

Sinabi ni Macalan na may mga stranded na ilang sasakyan sa pagitan ng Claveria at Sta. Praxedes na naabutan ng sakuna kagabi.

Matatandaan na nagkaroon din ng flashflood at landslides sa Claveria nitong buwan ng Oktubre ng nakalipas na taon kung saan isang bahay ang natabunan.

Sinabi ni Macalan na hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa ilang bahagi sa mga nasabing bayan dahil sa malambot umano ang lupa doon na konting ulan lang ay nagkakaroon ng pagbaha at landslides.

Samantala, nakabalik na rin sa kanilang mga mga tahanan ang dalawang pamilya na lumikas kagabi sa isla ng Calayan dahil sa pagbaha.

Ayon sa mga opisyal sa Calayan, agad din na humupa ang baha matapos ang dalawang oras.

Pinayuhan na rin ni Macalan ang mga motorista na iwasan na bumiyahe sa mga nasabing lugar dahil sa delikadong sitwasyon.

Samantala, sinabi ni Wilson Valdez ng DPWH na nahihirapan sila sa clearing operation dahil sa malalaking landslides at mga kahoy na naanod sa mga daan.

Ayon sa kanya, mahirap makapasok ang kanilang mga equipment dahil sa madulas ang mga daan na apektado ng landslides.

Dahil dito, sarado ang kalsada na papasok ng Cagayan sa nabanggit na mga lugar lalo na sa mga manggagaling sa Ilocos.