Umaabot sa mahigit 78, 679 ang naghain ng kanilang kandidatura para sa barangay kapitan, kagawad at sa sanggunaing kabataan sa Region 2 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa October 30, 2023.
Sinabi ni Atty. Jerbee Cortez, assistant director ng Commission on Elections Region 2 na ito ay madgadagan pa dahil may ibang bayan at lungsod ang hindi pa natatapos ang pagtally sa mga naghain ng kanilang mga coc.
Idinagdag pa niya na maaari din na kapag nakuha na ang buong bilang ng mga naghain ng coc ay posibleng mabawasan sa mga susunod na araw dahil sa posibleng may bumawi ng kanilang kandidatura.
Batay sa datos, pinakarami sa mga naghain ng kandidatura sa region 2 ang sa Isabela na umabot sa 36, 942, sumunod ang Cagayan na 27, 551, Nueva Vizcaya na 9, 012, Quirino na may 4, 662 at Batanes na may 512.
Sa Cagayan na binubuo ng 820 barangays, 2, 114 ang tatakbo sa pagkapunong barangay habang 14, 593 sa kagawad.
Sa Sangguniang Kabataan Chairman naman ay 2, 414 ang naghain ng coc at sa Sagguniang Kabataan member naman ay 8, 430.
Sinabi ni Cortez na hindi naging payapa naman ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 30, 2023.
Samantala, sinabi ni Atty Dandee Ramos, election officer ng COMELEC sa Tuguegarao na hindi pa sila tapos sa pagta-tally sa mga naghain ng kanilang mga kandidatura sa lungsod.