TUGUEGARAO CITY- Umabot na sa 1,750 families na katumbas ng 7,160 individuals ang inilikas sa probinsya ng Cagayan dahil sa epekto ng bagyong Maring.
Ayon kay Darwin Sacramed, head ng PDRRMO Cagayan, mula sa nasabing bilang ay 480 families na katumbas ng 1,700 individuals ang dinala sa evacuation center habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak o kapitbahay
Aniya, nagsagawa sila ng pre-emptive evacuation bunsod ng mga naranasang pagbaha sa iba’t ibang mga bayan dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan kung saan ay itinaas sa red rainfall warning ang status sa probinsya.
Kabilang sa mga apektadong pamilya ay mula sa bayan ng Baggao, Allacapan, Aparri, Buguey, Calayan, Lallo, Lasam, Gonzaga, Pamplona, Rizal, PeƱablanca, Sta. Teresita Sanchez Mira, Sta Ana at Claveria.
Sinabi ni Sacramed na posible pang madagdagan ang nasabing bilang ng mga apektadong pamilya.
Samantala, sa monitoring ng ahensya ay umabot na sa P350k ang inisyal na halaga ng pinsala sa livestock matapos mamatay at maanod ang mga alagang hayop ng mga magsasaka tulad ng Kalabaw, Baka, Manok, Pato, Baboy at iba pa.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng mga otoridad lalo na sa mga lugar na apektado ng mga pag-ulan at pagbaha.
Samantala, nakahanda na rin ang ipapamahaging food at non-food items ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) REGION 02 sa mga maaapektuhang Local Government Units (LGUs) dahil sa bagyo.
Sa ngayon ay mayroong 22, 490 Family Food Packs at 8, 586 non-food items ang available sa kanilang warehouse gayundin ang nakahandang pondo na ilalaan sa quick response disaster activities na aabot sa mahigit P4 milyong piso.
Nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction Management Council sa paghahatid ng relief items sa mga naapektuhan na coastal areas sa rehiyon.
Samantala, nakakaranas ng power interruption ang malaking bahagi ng cagayan at maging dito sa lungsod ng tuguegarao simula pa kagabi.