
Umabot na sa 8,868 kabahayan ang tuluyang nawasak habang 36,829 naman ang bahagyang napinsala matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Base ‘yan sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Operation Monitoring and Information Center (DSWD-DROMIC) as of 6am ngayong Sabado, June 13.
Maliban dito, 139,583 pamilya o 561,040 indibidwal na ang naitalang apektado ng nasabing lindol mula sa Region 9, 11, 12, at BARMM.
Ayon sa departamento, patuloy pa rin ang kanilang mga personnel sa pag-a-assess at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Samantala, nananatili naman umanong nasa mga evacuation center ang 2, 269 pamilya o 9,959 na indibidwal habang pansamantalang nakikituloy sa kamag-anak o kakilala ang 13,480 pamilya o 54,274 indibidwal.









