Umabot na sa mahigit 80,000 nang corn farmers sa rehiyon ang kabilang sa subsidize insurance program ayon sa philippine crop insurance corporation (PCIC).

Base sa pinakahuling datos, mayroon nang 82,150 corn farmers ang kabilang o nakasiguro sa halagang 2 bilyon mula sa bilang na 54, 300 na farmers ng mais nitong buwan ng hunyo 2024

Sakop ng PCIC Region 2 ang buong Lambak Cagayan kasama na ang eastern cordillera gaya ng Kalinga, Apayao at ilang bahagi ng Ifugao.

Samantala, ilan aniya sa mga dahilan ng pagkapeste sa tanim na mais ay ang pagkasira dahil sa daga, at army worm.

Gaya sa tanim na palay, ang naturang programa ng PCIC ay sumasakop sa mga natural na kalamidad gaya ng bagyo, tagtuyot at baha.

-- ADVERTISEMENT --