Magkakaroon na naman ng mahigit isang piso na dagdag sa presyo ng gasolina bukas, Feb. 17, 2026.

Sa abiso Seaoil magpapatupad sila ng dagdag na P1.20per liter sa presyo ng gasolina, kung saan ito na ang pang-anim na sunod-sunod na oil price hikes.

Tataas din ang presyo ng diesel at kerosene sa 60 centavos, kung saan ito naman ang pang-walo na sunod-sunod na dagdag presyo.

Sinabi ni Rodela Romero, assistant director at the Department of Energy (DOE), ang pagtaas sa presyo na naman ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng geopolitical tensions sa Iran na nakakagambala sa suplay.

Ipinaliwanag niya na ang panganib na magkaroon ng supply disruptions sa Strait of Hormuz at ang walang katiyakan sa pag-uusapa sa nuclear program ng Iran ang nakadagdag sa paggalaw sa presyo ng langis.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Romero, ang Straight of Hormuz ay isang mahalagang ruta ng oil supply mula sa Persian Gulf sa Gitnang Silangan.