
Huli ang isang pinaghihinalaang big-time drug trafficker ng Police anti-narcotics operatives sa Dasmariñas City na may dalang P1.3 million na halaga na pinaghihinalaang shabu kagabi.
Hinuli ng drug enforcement unit ng Cavite Police Provincial Office at Dasmariñas Police ang suspek na kinilalang si alyas “Nor” matapos na bentahan ng shabu ang isang undercover na pulis sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Datu Esmael.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang transparent plastic ice bags na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 200 grams.
Ang mahigit P1.3 million na halaga ng iligal na droga ay base sa assessment ng Dangerous Drugs Board.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis ng Cavite upang malaman ang source ng shabu.
Kinilala ng pulisya si Nor na High Value Individual (HVI) sa illegal drug trade.
Ang HVI ay tumutukoy sa financiers, traffickers, manufacturers, importers ng illegal drugs, o mga leader o miyembro ng drug syndicates.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.