Umaabot sa mahigit P1.7 million ang initial na pinsala ng bagyong Julian sa livestocks sa Cagayan.

Sinabi ni Dr. Noli Buen, provincial veterinarian ng lalawigan na ang nasabing halaga ay mula sa mga mahigit 1,000 na iba’t ibang alagang hayop na namatay dahil sa hyporthemia at pagkalunod.

Ayon sa kanya, 10 munisipalidad na kinabibilangan ng Abulug, Aparri, Baggao, Ballesteros, Bugue, Pamplona, Sanchez Mira, Santa Ana, Santa Teresita at Sto. NiƱo.

Kasabay nito, sinabi ni Buen na asahan ng mga 199 na magsasaka na namatayan ng mga alagang hayop na makakatanggap ang mga ito ng financial assistance mula sa pamahalaang panlalawigan.