Muling magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis simula bukas, October 8.
Batay sa abiso ng Petro Gazz, Pilipinas Shell, at Seaoil, may dagdag na P1.20 ang diesel kada litro, 70 centavos sa kerosese, habang hindi naman magbabago ang presyo ng gasoline.
Ito na ang magkasunod na dalawang linggo na oil price hike sa gasoline at diesel, habang tatlong magkakasunod naman sa linggo sa diesel.
Una rito, sinabi ni Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero ng Department of Energy na ang mixed price adjustment ay kasunod ng balita na magsasagawa ng pag-atake ang Israel sa oil infrastructure ng Iran.
Tinukoy din niya ang disruptions sa oil at gas sa Southeast US bunsod ng Hurricane Helene.
-- ADVERTISEMENT --