Magkakaroon ng oil price roll back bukas, araw ng Martes.
Sa hiwalay na advisories, sinabi ng Seaoil, Cleanfuel, Caltex, at Shell Pilipinas, magpapatupad sila ng P1.90 per liter na bawas sa diesel, P1.85 per liter sa kerosene at P1.15 per liter sa gasoline.
Sinabi ni Rodela Romero, director Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na ang nananatiling ang poor global demand ang pangunahing dahilan ng paggalaw sa presyo ng langis.
Dagdag pa dito ang Isreal-Gaza ceasefire talks na nagbunsod ng pagkabahala sa supply at production rescovery support myla sa Sharara Oilfield ng Libya.
Matatandaan na nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis nitong nakalipas na linggo.
-- ADVERTISEMENT --