Huli ang isang lakaki na 23 anyos sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Balzain East, Centro 11, Tuguegarao City kahapon.

Ang nasabing buy-bust operation ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Joint Intelligence Operatives ng PIU–PDEU bilang lead unit, katuwang ang mga tauhan ng Tuguegarao Component City Police at 1st CPMFC, sa ilalim ng koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isinagawang operasyon, nasamsam ang mga sumusunod na ebidensya:

a) Buy-bust stuff na isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu na may tinatayang timbang na 5 gramo;
b) Apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu na may tinatayang timbang na 11 gramo (possession).
MGA HINDI DROGA:
a) Isang piraso ng tunay na isang libong piso at anim na piraso ng boodle money;
b) Isang pirasong bala na 5.56mm;
c) Isang piraso ng stainless na gunting;
d) Dalawang unit ng Android cellular phone;
e) Isang pakete ng transparent plastic sachets;
f) Isang disposable lighter;
g) Isang transparent tube pipe;
h) Dalawang coin purse; at
i) Isang unit ng Honda Beat na walang plate number.

Ang kabuuang timbang ng mga nasamsam na hinihinalang shabu ay nasa 16 gramo, na may tinatayang humigit-kumulang na Php100,000.00.

-- ADVERTISEMENT --

Ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay maayos na minarkahan at isinailalim sa inventory sa lugar ng operasyon sa presensya ng suspek, na nasaksihan ng isang halal na opisyal ng barangay at isang kinatawan mula sa media, alinsunod sa itinakdang alituntunin ng batas.

Ang suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Tuguegarao City Police Station (PCP Don Domingo) para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at illegal possession of ammunition.