
Huli ang isang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Cunig, Gattaran, Cagayan kahapon.
Ayon kay PCAP Shiela Joy Fronda, information officer ng Cagayan Police Provincial Office, nakuha sa suspek na 37 anyos, walang asawa at magsasaka ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 20 gramo at nagkakahalaga ng mahigit P130,000.
Sinabi ni Fronda na isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit – Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) at ang Gattaran Police Station at ang 2MFP ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.
Bukod da ilegal na droga, nakuha din sa suspek ang buy-bust money na P1,000 at 49 na piraso ng boddle money na tig-P1,000 at motorsiklo na walang plaka.










