TUGUEGARAO CITY- Binunot at sinunog ang mahigit P34M na halaga ng marijuana sa Kalinga sa loob ng tatlong araw na operasyon mula Mayo 28 hanggang ngayong araw na ito.

Sinabi ni PCOL Davy Vicente Limmong, director ng PNP Kalinga na tatlong plantation sites ang pinasok ng mga otoridad sa Loccong, Tinglayan na may mahigit 65, 000 na fully grown marijuana at karagdagang 1, 600 sa Barangay Buscalan.

Ayon sa kanya, mula sa mga concerned citizen ang impormasyon na may mga tanim na mga marijuana sa mga nasabing lugar.

Subalit, sinabi ng opisyal na bigo ang mga operatiba na matukoy at mahuli ang mga posibleng cultivators.