Huli ang dalawang drug personality sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cagayan.
Unang nadakip sa buy-bust operation si alyas “Oscar,” 41-anyos, may asawa, sa Caritan Norter, Tuguegarao City.
Nakuha sa suspek ang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu na may kabuuang timbang na 27 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P183,600.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay kabilang sa PNP-PDEA watchlist at second-time offender parehong kaso.
Samantala, matagumpay naman ang implementasyon ng mga tauhan ng Sta. Teresita Police Station sa search warrant laban kay alyas “Kiko” sa kanyang tahanan sa Barangay Centro West sa nabanggit na bayan.
Nakuha naman sa kanya ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na dalawang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P13,000.
May nakita rin sa tahanan ng suspek na isang posporo at kahon ng sigarilyo na naglalaman din ng isang sachet ng droga.
Subalit hindi nadatnan ng mga awtoridad ang suspek nang ipatupad ang search warrant.
Nagsasagawa na ng pagtugis ang mga awtoridad sa nasabing suspek.
Umaabot sa mahigit P127,000 ang halaga ng mga nakumpiskang shabu sa nabanggit na mga operasyon.