
Nakakuha ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng 15 freeze orders saklaw ang assets na nagkakahalaga ng P22.869 billion may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.
Saklaw ng freeze orders ang 724 individuals at 537 entities tulad ng construction companies.
Kabilang sa mga isasailalim sa freeze order ang mga sumusunod:
P14 billion (6,692 bank accounts)
P4.8 billion (10 air assets)
P2.1 billion (161 real estate properties)
P902.1 million (other investments)
P490 million (394 insurance accounts)
P445.2 million (229 motor vehicles)
P400,639 (16 e-wallet accounts)
Ayon sa AMLC, plano nilang maghain ng forfeiture case para maibalik ang mga nasabing assets sa loob ng anim na buwan.
Matatandaan na nagsimula ang mga imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects nitong nakalipas na taon matapos na isiwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 20 percent ng kabuuang P545 billion budget ay ibinigay lamang sa 15 contractors.
Buhat noon, maraming engineers at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mga kongresista at mga senador ang idinawit sa nasabing eskandalo.










