Hinuli ang isang babaeng pasahero na pinaghinalaan na may dalang cocain na nagkakahalaga ng P24 million sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Bureau of Immigration (BI) ang suspect ay mula Sierra Leone sakay ng Ethiopian Air flight sa NAIA Terminal 3 kagabi.
Sinabi ng mga awtoridad na may na-monitor sila na kahina-hinala na flight patterns ng suspect, na nagbunsod para dalhin siya sa drug interdiction task group (DITG).
Nakita sa kanyang bagahe ang kahinahinala na substance sa loob ng lining ng apat na handbags at isang suitcase.
Sa isinagawang pagsusuri, kinumpirma ng Bureau of Customs na ang P4.57 kilogram na powdery substance ay cocaine na may street value na mahigit P24 million.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang babaeng suspect at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings at mahaharap sa kasong drug trafficking.