Umaabot na sa P2.04B ang halaga ng pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa Cagayan Valley.

Ayon kay Kay Olivas, Regional Technical Director for Research and Regulation ng Department of Agriculture Region 2, ang taniman ng mais ang may pinaka-malaking pinsala ng tagtuyot na naitala sa lalawigan ng Isabela.

Aabot naman sa 117,052 metriko tonelada ng mais, palay at high value crops ang naapektuhan sa 45,745 na ektarya ng taniman habang 43,942 na magsasaka ang apektado sa rehiyon.

Patuloy naman ang pamamahagi ng DA ng mga interbensiyon sa mga apektadong magsasaka kabilang na ang tulong pinansiyal, production assistance, pagbibigay ng water pumps at cloud seeding operations.

Samantala, naghahanda na rin ang ahensiya sa epekto naman ng posibleng pagtama ng La Niña sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --