TUGUEGARAO CITY- Mahigit P2M ang halaga ng marijuana na nasa dalawang karton ang nabisto at nakumpiska ng kapulisan sa Tinglayan, Kalinga matapos na kalkalin ng aso dahil sa may kasamang lamang dried fish.

Ayon kay PCol DAvy Vicente limmong, provincial director ng PNP-Kalinga, ilang concerned citizen ang nakakita sa dalawang karton na pinaglagyan ng marijuana sa gilid ng kalsada sa Sitio Ngilin, Poblacion, Tinglayan.

Sinabi ni Limmong na modus na umano ito ng mga nagbebenta para hindi agad mahalata ang laman ng karton.

Maaari umanong late o nahuli sa dating ang kukuha o bibili sa marijuana kung kaya’t nagawang kalkalin ito ng mga aso.

-- ADVERTISEMENT --

19 na bricks na may timbang na 18 kilos ang marijuana.