Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P3.63 million na halaga ng pinaghihinalaang ecstacy tablets sa Port of Manila.
Ayon sa PDEA, nadiskubre ang parcel na naglalaman ng nasabing ecstacy tablets sa pamamagitan ng inspeksion ng K9.
Sinabi ng PDEA na nagpsiya silang buksan ang parcel para sa karagdagang imbestigasyon, kung saan nakita ang 2,136 dark gray tablets na pinaghihinalaang ecstacy.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang shipper at ang recipient ng nasabing parcel para sa posibleng pagsasampa ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 9615 or the Dangerous Drugs Act.
Dinala na ang nasabing mga droga sa PDEA Laboratory Service para sa pagsusuri.
-- ADVERTISEMENT --